Nagsimula ako sa isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit lugmok
ako sa utang....ang credit card. Dahil swipe dito, swipe doon ang aking gawi...
lumobo ng lumobo ang outstanding balance ko. Ang dahilan....minimun payment
lang kasi ang aking binabayaran. Kung tutuusin, napakaliit lang naman ng
minimum required payment, pero ang kapalit na interest ay napakalaki.
Napakasarap magkaroon ng credit card. Parang kaya kong
bilhin lahat ng walang lumalabas nap era sa bulsa ko. Kapag nagbayad ako ng
aking mga pinamili o kaya kinain, feeling ko sosyal ako dahil credit card ang
gamit ko.
Kapag dumarating na ang bill, ang tinitignan ko lang ay ang
minimum required payment. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga naiintindihan
ang lahat ng nakasulat sa bill. Ngayon ko lang nabigyang pansin ito.
Sa tulong ng aking kaibigan, tinuruan niya ako kung paano
basahin at intindihin ang laman ng statement of account. Naku nakalaki pala ng
interest. 3.5% monthly. Halos karamihan sa mga credit cards ganito kalaki ang
interest na binabayaran natin. Hindi pa kasali dito yung ibang mga charges gaya
ng penalty for late payment at annual fee. Ang dami palang component ng credit
cards na dapat nating pagtuunan ng pansin.
After understanding my statement of account, my friend
confiscated my credit card. What if I have something to buy? What if may
nadaanan akong naka sale na sapatos? What will I do? My friend told me that’s the reason why he
confiscated them. Para maiwasan ko ang impulse kong mag swipe ng mag swipe. And
if I really need to use the credit card, dapat kasama siya para ma monitor niya
yung kailangan ko lang. Good thing I have a friend like him who willingly
helped me in times of my “pagkakalugmok.”
Edi ayun, sinubukan kong hindi gamitin. Mahirap sa umpisa
lalo na at mahilig akong mag malling, para akong asong naglalaway kapag
nakakita ako ng bagay na gusto kong bilhin na hindi naman gaanong kailangan.
Lumipas ang isang buwan, dumating na ulit ang bill, yung
outstanding balance ko....ganun pa rin. Pero hindi nadagdagan at medyo
nabawasan ang interest. Aha! Magandang simula ito. Ngayon, dapat magbayad ako
ng higit sa minimum amount due para mas mabawasan pa ang interest at principal
amount.
Tumawag din ako sa bank provider ko para magtanong ng kung
ano ang kanilang mai-o-offer para hindi ako mabigatan sa pagbayad. Hindi ko pa
kasi kayang bayaran ang kabuuang halaga. The agent offered me to convert my
outstanding balance to installment. Fixed na monthly payment at kaunti lang ang
interest. May option daw ako na 6,12,14 at 24 moths installment. Mas kaunting
panahon, mas kaunting interest. Dahil medyo malaki ang balance ko, I choose 12
months.
Lumipas ang ilang taon, ayun nabayaran ko na ang kabuuang
balance ng aking credit card. Ibinalik na rin ito ng kaibigan ko sa akin. But
I’m wiser now. Hindi ko na siya ginagamit sa mga hindi ko naman kailangan. And
also I learned that whatever amount that I charge must be paid in full para
maiwasan ang interest. Also pay on or
before the due date to avoid penalties and charges.
Lastly, do not be afraid to talk to your bank. They can help
you. They will give you options para mapagaan ang pagbayad.