Pages

Monday, March 18, 2013

Paano Mababayaran ang Utang sa Credit Card

Nagsimula ako sa isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit lugmok ako sa utang....ang credit card. Dahil swipe dito, swipe doon ang aking gawi... lumobo ng lumobo ang outstanding balance ko. Ang dahilan....minimun payment lang kasi ang aking binabayaran. Kung tutuusin, napakaliit lang naman ng minimum required payment, pero ang kapalit na interest ay napakalaki.

Napakasarap magkaroon ng credit card. Parang kaya kong bilhin lahat ng walang lumalabas nap era sa bulsa ko. Kapag nagbayad ako ng aking mga pinamili o kaya kinain, feeling ko sosyal ako dahil credit card ang gamit ko. 

Kapag dumarating na ang bill, ang tinitignan ko lang ay ang minimum required payment. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga naiintindihan ang lahat ng nakasulat sa bill. Ngayon ko lang nabigyang pansin ito.

Sa tulong ng aking kaibigan, tinuruan niya ako kung paano basahin at intindihin ang laman ng statement of account. Naku nakalaki pala ng interest. 3.5% monthly. Halos karamihan sa mga credit cards ganito kalaki ang interest na binabayaran natin. Hindi pa kasali dito yung ibang mga charges gaya ng penalty for late payment at annual fee. Ang dami palang component ng credit cards na dapat nating pagtuunan ng pansin.
After understanding my statement of account, my friend confiscated my credit card. What if I have something to buy? What if may nadaanan akong naka sale na sapatos? What will I do?  My friend told me that’s the reason why he confiscated them. Para maiwasan ko ang impulse kong mag swipe ng mag swipe. And if I really need to use the credit card, dapat kasama siya para ma monitor niya yung kailangan ko lang. Good thing I have a friend like him who willingly helped me in times of my “pagkakalugmok.” 

Edi ayun, sinubukan kong hindi gamitin. Mahirap sa umpisa lalo na at mahilig akong mag malling, para akong asong naglalaway kapag nakakita ako ng bagay na gusto kong bilhin na hindi naman gaanong kailangan.
Lumipas ang isang buwan, dumating na ulit ang bill, yung outstanding balance ko....ganun pa rin. Pero hindi nadagdagan at medyo nabawasan ang interest. Aha! Magandang simula ito. Ngayon, dapat magbayad ako ng higit sa minimum amount due para mas mabawasan pa ang interest at principal amount. 

Tumawag din ako sa bank provider ko para magtanong ng kung ano ang kanilang mai-o-offer para hindi ako mabigatan sa pagbayad. Hindi ko pa kasi kayang bayaran ang kabuuang halaga. The agent offered me to convert my outstanding balance to installment. Fixed na monthly payment at kaunti lang ang interest. May option daw ako na 6,12,14 at 24 moths installment. Mas kaunting panahon, mas kaunting interest. Dahil medyo malaki ang balance ko, I choose 12 months.

Lumipas ang ilang taon, ayun nabayaran ko na ang kabuuang balance ng aking credit card. Ibinalik na rin ito ng kaibigan ko sa akin. But I’m wiser now. Hindi ko na siya ginagamit sa mga hindi ko naman kailangan. And also I learned that whatever amount that I charge must be paid in full para maiwasan ang interest.  Also pay on or before the due date to avoid penalties and charges.

Lastly, do not be afraid to talk to your bank. They can help you. They will give you options para mapagaan ang pagbayad.

Thursday, March 14, 2013

About the Author

Ako si Max. Dati akong nabaon sa utang. I spent more than I earned. I used my credit cards for purchases I really do not need. But then, after receiving calls from various banks, I was bothered. Because I only pay the minimum amount, lumobo ng lumobo ang aking mga utang. Napakalaki ng interest. Hindi ko na kayang bayaran. I was in dire situation. Demand letters started to come mula sa mga law firm. Mula noon, hindi na ako makatulog. Paano ko kaya mababayaran lahat? Ano kayang magandang gawin? 

I asked my friends on what to do. They helped me think of possible solutions. After few years, I am now debt-free. Naiisip ko, marami ring katulad ko ang nasa ganoong sitwasyon kaya naisipan kong ibahagi ang aking karanasan at mga ginawang paraan para makaahon sa pagkakautang.